August 7th, 2009 — Uncategorized
Kung ikaw ay isang ifmista, malamang narinig mo na ang Bulyaw Mariguen kung hindi pa kita pinurga tungkol sa bandang ito. Napatunayan ito ng pinagbibilhan ko ng cd cover sa isang store dito lang sa center ng Puerto. Sabi ko ibebenta ko kase ang mga cds na ito ate. Alam niyo po yung Bulyaw Mariguen? Sagot nung tindera, don’t tell me, ikaw si DJ JOJO.
Para lang sa mga hindi pa nakakaalam…
ang Bulyaw Mariguen ang kaisa-isa at kauna-unahang banda na magrerelease ng isang rock album sa Palawan. at hindi lang ito basta rock album. heavy rock ang sub-genre nito at cuyonon ang language dito. project ito ni dj jojo at kabilang ang ifm at dypr sa mga unang sumuporta dito.
sana ay bumili kayo kapag nailabas na namin. sana ay suportahan niyo ang modest project na ito. sana ay bisitahin niyo din ang bulyaw sa friendster (bulyawmariguen@yahoo.com) at sa blogspot www.bulyawmariguen.blogspot.com.
Yun na lang siguro ang masasabi ko. Dugo, pawis at katakot takot na brain cells ang tinaya namin dito at pag-ibig ang naging energy drink.Salamat,tangay.
August 7th, 2009 — Uncategorized
Yaman din lang na napakaraming bigo sa pag-ibig (or sa palagay ni dj jojo na romance) na text messages na dumadaan sa ating IFM textline let me share with you a way para makalimot. Isang gamot na medyo tried and tested pero kung baga hindi approved ng PAMI. hehe
Noong nasa college ako sabi ng Psychology professor ko merong tinetest na paraan para makalimot ang mga nasaktan sa pag-ibig (o mga hindi iniibig ng kanilang mga iniibig). RUBBER BAND…oo, rubber band. susuotin mo daw ang rubber band na parang bracelet, tapos tuwing maaalala mo yung taong nagdudulot sa iyo ng sama ng loob, pipitikin mo ang iyong sarili ng rubber band. Isa itong paraan ng pagkondisyon sa ating sarili o pag-iisip. Hindi ko alam kung ano ang naging findings nila though. Kung effective nga ba ito or hindi. Triny ko din ito kaso hindi effective sa akin ang sinasaktan ang sarili.
So ito ang recommendation ko…Tingin ko somehow it works, at least for me.
Kilalanin mong maigi ang tao na iyong napupusuan. Once nagawa mo na yun, isipin mo lahat ng mga rason kung bakit hindi magwowork kapag nagkaroon kayo ng relationship. Isipin mo na din lahat ng mga ayaw na ayaw mong katangian niya at idagdag mo pa na hindi na nababago ang mga ganong pag-uugali (people change but only to a certain extent). Isa rin itong masasabing mind conditioning (na sa tingin ko ay mas praktikal).
January 19th, 2009 — Uncategorized

Isa sa mga interes ni DJ JOjo ay ang paranormal kaya tuwang tuwa siya ng makilala niya si Mr. Jaime Licauco, ang sinasabing paranormal expert ng Pilipinas.
January 19th, 2009 — Uncategorized
Hindi ko minsan naisip nung ako ay bata pa na magiging propesyon ko ang pagddj. Lumaki akong mahiyain pagdating sa harap ng publiko at kahit na nagpeperform ako (kumakanta) sa harap ng mga tao, katakot takot na stage fright ang nararamdaman ko.
Pero maraming mga bagay na mga nangyayari sa ating buhay na nagdadala sa atin sa ibat ibang klase ng karanasan.
Nag-apply ako as a dj sa Ifm 99.9 pagkatapos kong magbakasyon sa Cuyo. Kauuwi ko lang galing Manila nun pagkatapos kong magdesisyon na sa Palawan ko na ibubuhos ang aking attention, time, passion and effort.Pinakinig sa akin ng aking pinsan ang mga kanta ng Bulyaw Mariguen at bago ako umalis ng Cuyo, sinigurado ko munang may kopya ako ng kanilang cd. Para sa mga hindi nakakaalam, ang Bulyaw Mariguen ay ang katangi-tangi (sa aking pagkakaalam) na banda ng mga Cuyonon na gumawa ng Cuyonon Rock Songs.
Nang napakinggan ko ang kanilang mga kanta, napagdesisyunan ko na mag-apply sa Ifm 99.9. Ginusto ko na maparating at mapakinig sa mga taga-Palawan ang mga kanta ng Bulyaw Mariguen. Tinanong pa ako ng aming dating Station Manager na si DJ Brian kung sigurado ba ako na gusto ko magdj. Wala kase akong experience sa pagddj at ang kurso kong tinapos nung ako ay nasa college pa ay Business Administration.
Syempre sa isang interview sasabihin mo, OO, OPo Or EEn sa Cuyonon. Pero nung mga panahong iyon hindi pa ako sigurado sa landas na aking tinatahak. Ang alam ko lang ay may gusto akong gawin para sa kulturang Cuyonon na pinanggalingan ng aking nanay at sa mother side ng aking tatay.
Sinwerte naman ako at nakapasok ako as a radio jockey. Kung matatandaan pa ninyo, nagsimula ako tuwing 9 hanggang 10:30 ng gabi Mondays to Fridays at pinurga ko ang mga Ifmistas ng trivia tungkol sa Palawan. Kabado ako noon (well, kinakabahan pa rin naman ako tuwing naghohost ako ng programa sa radyo). Halata ata sa boses ko.
Hindi ako nagtagal sa IFM dahil kinailangan kong pumunta sa bansang Italya upang mag-aral muli. Pero kahit na nag-enjoy ako sa aking mga nakilala at natutunan sa Italy, namimiss ko pa rin ang pagraradyo. Nakakatuwa kase ang pamilya ng IFM. Mula sa djs hanggang sa mga Ifmistas na parang barkada mo na din pag ikaw ay on-air.
Nakakatuwa din ang pagtanggap ng mga Ifmistas sa mga kanta ng Bulyaw Mariguen at sa aking twisted Cuyonon.
Ngayon, nagbabalik Ifm na naman ako. Tuwing linggo si DJ JOJO ang inyong makakasama 9 am to 12 noon, I Goes Jukebox and I Goes Retro. Pang matandang kanta?Oo, pero why not pangbata din. Sa aking 2 linggo ng pagbabalik fm, andami ko ng natutunan sa aking mga programa. (Sikat na sikat pala ang mga Jukebox artists natin noon hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din). Si Eddie Peregrina na nanalo din sa isang competition entitled Tawag ng Tanghalan ay sikat kahit sa Indonesia at nagkaroon pa ng concert doon. Sa retro music naman, mapapakinggan ninyo ang kinoconsider na POP music noong mga panahon ng 70s, 80s and early 90s. Marami pa rin ang hooked sa mga kantang ito.
Sana ay magkita-kita po tayo sa IFm 99.9 at sana ay suportahan natin ang mga susunod na proyekto ng Ifm at ng Bulyaw Mariguen.
DJ JOJO, signing out!
June 29th, 2008 — Uncategorized
June 29th, 2008 — Uncategorized
Sa mga rakista diyan, sigurado ako trip na trip niyo ang BASKOG kung saan kadalasan American at Pinoy Rock ang ating naririnig. Pero alam niyo ba na noong April nagsimula na din si DJ Guru magpatugtog ng Cuyonon rock?
Bago pa ba yun sa pandinig ng mga Ifmista?
Ngayon, pwede niyo na din sila irequest sa You and I Pinoy (Saturdays 9-11 am) =D
Sa mga hindi pa nakakarinig ng ilan sa kanilang mga kanta, check niyo na lang ang playlist na nasa profile ko…
VOCALS-THOPZ PEREZ
GUITAR-FRANZ ABID
BASS-POPOY DELA TORRE
DRUMS-PHILIP ABID
ROCK ON CUYONONS!
June 29th, 2008 — Uncategorized
Kung ara kaw’ LAPIS, indi kaw ka sulat. Kung indi kaw ka sulat, indi kaw ka adal. Kung indi kaw ka adal, ara kaw’ Diploma. Kung ara kaw’ Diploma, ara kaw’ obra. Kung ara kaw obra, ara kaw’ k’warta’. Kung ara kaw’ k’warta, ara kaw’ pagkaen. Kung ara kaw’ pagkaen, gegetemen kaw. Kung getemen ka ren ngani, maganiwang kaw. Kung magniwang ka ren, magarimo ka ren. Kung marimo ka ren, ara’ maliliag kanimo. Kung ara maliliag kanimo, indi kaw kapangasawa. Kung indi kaw kapangasawa, ara kaw’ mga bastek. Kung ara kaw’ mga bastek, madi-depress kaw. Kung madepress kaw, magamasakit kaw. Kung magmasakit kaw, mapapatay kaw. Kung patay ka ren, ara ka ren! - Animan ambligan indo i’ mayad ang indong mga LAPIS.
Kita mo dan? mi moral lesson pa gali ang LAPIS!???
*****got this from www.cuyopress.com